"Puro kami mga abnormal. So DON'T take this seriously. We didn't."
Reports of this tragic tsunami devastating parts of Sri Lanka, Thailand and India came into our attention as we were having our usual late night cigarette ring. I call it a cigarette ring as we were this group of almost heavy smokers, and then we would discuss topics that would not terminate itself until one of us calls it a night and then grabs the last cigarette for the day. Well, we had one of those discussions that began with a tsunami, and then it hilariously unfolds itself into a series of interrogations that ended with Darwin's Theory of Evolution. We never had an idea how that happened, but it surely made for a very funny nightcap that had us thinking at the same time.
And understand that this was not, in any matter, shape or form, a comedy routine meant to make you laugh or something. This is a simplified narration of the different issues that we talked about in light of the Tsunami, and how it went from Point A to Point X, defying all laws of coherence at the same time, was entirely not our fault.
And if you would wish to disagree with any of the points that we raised that night, feel free and be our guest. I mean, it takes a bigger moron to rebutt one anyway, so it's basically your call.
Here goes:
"Life vest lang ang katapat ng tanginang tsunami na yan. Hintayin mo lang. (Gago, eh di aanurin ka rin non, malakas kaya ang puwersa noon) Edi lagyan mo ng anchor, inutil ka pala eh.
"Kung halimbawang aabutin tayo dito ng tsunami sa Pasig, ang gagawin ko eh magkukulong ako sa banyo. (Kagaya ng ginawa nung anak ni de Venecia?) Oo. (Edi ba nga namatay yon?) Kaya nga ako pupuntang banyo para pag napuno na siya ng tubig, flush ko na lang. ANO BA ITONG KAUSAP KO, NAG-IISIP BA ITO?"
"Diba lalaki si santa claus, na mataba tapos palaging nakapula. (oo, mayroon pa ngang mrs claus, so lalaki talaga). edi dapat pala "Santo" claus. Magtanong ka ng espanyol, sasabihin nila, dapat "el santo" claus.
"Kahit naman dati, hindi ako naniwala sa lintik na santa na iyan eh. (Bakit naman?) Sinong inulol niya, eh yung bahay namin sa santa cruz wala namang chimney, paano niya ibibigay yung gift ko. Sira ba ulo niya, ano yun, ihahagis niya sa bintana, eh paano kung bowling ball ang hiniling ko, edi nagbayad pa siya ng panggawa. (Sana hiniling mo palakol, tapos saluhin mo pag hinagis sa iyo. Mukha mo ipangsalo mo.)"
"Tsaka bakit alam niya kung anong hihilingin ko ngayong pasko, eh hindi ko naman talaga pinadala sa post office yung letter ko. Anlaking kagaguhan diba? Wala ngang selyo eh, kasi hindi ko alam kung magkanong selyo ang bibilhin ko. Kagaya ngayon, kagagaling ko lang sa operasyon, so ang kailangan ko ay mefenamic acid tsaka antibiotic, eh paano yun, eh yung mga elves niya, puro kahoy lang ang ginagamit na panggawa ng gifts. (Ayaw mo ng bedpan?)"
"Tsaka diba sa north pole siya nakatira, eh saan naman nila kinukuha yung mga panggawa nila ng regalo. Baka illegal loggers yung mga putanginang elves na iyan. Shet!"
"Si Eba't Adan... naintindihan nila yung utos ni god na huwag kainin yung forbidden fruit. Tapos, si eba, naintindihan yung ahas na kainin daw yung apple. Putangina niya, eh paanong nangyaring tsaka lang nila nalaman na nakahubad pala sila kundi pa nila kakainin yung apple. So ibig sabihin pala noon, god and the snake speaks the same tongue."
"Puwede kayang cavemen muna sila eba't adan, tapos paluan lang sila ng paluan sa ulo ng mga kahoy para magkaintindihan?"
"O sige, sabihin na nating sa tower of babel nga nagsimula yang katarantaduhang mga iba ibang languages na iyan, pero sinong nagturong magsalita ng hapon? Ng indian? Ng english? Ng tagalog? Tsaka paano naman nila malalaman na ingglisero na yung kausap nila, eh diba nga, kagulo sila noong mga time na iyon?"
"Hindi kaya naubos yung mga dinosaur noong lumulutang na yung noah's ark. sabagay, paano nga naman sila kakasya doon? (Eh hindi naman binanggit yung mga dinosaurs sa bible eh). Eh kaya nga hindi na binanggit, siguro kasi nga nalunod na sa great flood. Hindi ka ba nag-iisip?"
"Ano kayang mangyayari pag ang earth nahati sa dalawa, paano kaya ang ikot noon? (Oi gago, doon ka sa kabilang hati."
"Bakit ang mga aliens, iisa itsura halos. yung kulay green sila, diba, tapos malalaki yung mata na kulay itim, malaki rin ang ulo na hugis oval? (Siguro galing sila sa isang malaking galaxy na kung saan eh magkakamukha silang lahat, parang tayo.) Edi tayo pala aliens."
"Kung ang tao, nanggaling sa unggoy, bakit may unggoy pa rin? Tsaka bakit kung ang mga baby, mukhang tao, diba dapat unggoy muna sila, tapos hintayin na lang mag-evolve hanggang magmukhang tao?"
"Oi, mga putangina niyong mga kupal kayo, itulog niyo yan. Kanina pa tayo naggagaguhan dito. Wala na tayong yosi."
No comments:
Post a Comment