**Oo na, alam ko once a week lang ako magpo-post. Pero kinuwento ko na to habang mainit init pa. Tsaka pala tatagalugin ko muna to ha? Kunyari tropa tayo. Tsaka ang hirap ikuwento nito ng English. Bukod sa ayaw ko mag-isip eh ramdam ko na mas buhay to pag tinagalog ko. Kaya heto. Medio mahaba pala to, mga punks. Ginanahan ako eh.
Heto yung kuwento sa likod ng FB Status na to.
Naalimpungatan ako nung biglang bumukas yung ilaw ng kuwarto. Tangina naman oh. Inisip ko agad na si Hadede to. Insekta kasi yung baklang boksingerang fren ko na yun eh. Love ko yun. Pero ang pangit lang talaga sa baklang yun, maliban sa mukha niya, eh best of pamemeste yun eh. Tapos nung tiningnan ko kung sino yung nagbukas ng ilaw, kung sino talaga yung mumurahin ko eh nakita ko na Siya pala yun. Nakapulang t-shirt na body fit, blue na shorts. Nakangiti.
Nung nakita kong siya yun eh wala akong ibang nasabi kundi "'So." Garalgal pa boses ko nun, yung boses ng kagigising lang. Pero kalmado pa, steady lang kumbaga. Yun ang tawag ko kasi sa kanya. "'So." Bunso kasi siya. Pero nabigla ba ako nung nakita ko siya? Very light, oo, pero hindi ganun ka-gulat para tuluyan nang mawala ang antok ko. Chill pa ako nun.
Ngumiti siya. Tiningnan lang niya kung anong oras na tapos eh pinatay din niya agad yung ilaw. Mga 11:30 na yun ng gabi. Sabi niya kasi "11:30."
Si Joel. Naalala niyo yung kinukuwento ko dati na naging ka-live in ko ng mahigit four years? Tapos naghiwalay kami nitong December lang kasi nga nakatikim ng luto sa patis? Na hindi tinola? Si J? Yun. Siya yun. Joel. Nadale mo, batang bata.
Pagkatapos ng time check at lights out eh humiga na siya sa tabi ko. Iniwan niyang bukas yung pinto. Amoy chico si uten.
Hindi ko na tinanong kung paano siya nakapasok kasi yung mga ganung oras eh gising pa yung housemate ko, ang gorgeous na si Onath. Siya na ang kasama ko sa bahay simula nung December last year. Kaibigan ko to since 2000, at dahil never kaming nag-away eh siya ang housemate ko ngayon. Kilala niya si Joel, saksi siya sa pagliligawan namin (yehess), sa pagli-live in namin, kung paano namin binuo tong apartment na to, at andun siya nung eksenang nag-usap kami nun sa pagitan ng rehas na bakal. Na-detain si Joel dati, matagal na yun, nung 2005, kasi nga may pinakyu na mga tanod. Punks na punks lang. Kaya ayun, nag-usap kami sa pagitan ng rehas na bakal. Ahaha, tanginang yan, burat na burat ako pag naalala ko yang eksenang yan.
Kung hindi lang talaga mahina ang kapit ng akin at nakabuo kami ni Joel eh unang unang ninang tong si bakla.
Anyway, hindi ko na tinanong kung pano naka-akyat tong si Joel. Alam kong pinapasok siya ni bakla.
Dun siya pumuwesto sa kanang side ng kama namin, yung bandang nakadikit sa pader. Unang gabi namin dito sa apartment eh dun talaga ang puwesto niya. Teritoryo ba. Kanya yun. Five years ago yun. Katawang kahoy pa lang to noon, kumot lang ang sapin, tsaka may apat na unan. Dun kasi yung puwesto niya talaga, dati pa, nung wala pang mattress at nakaka-shalang sheets tong kama na to. Sa dulong kanan, yung nakadikit sa pader. Magkatabi kaming nakahiga ulit sa kamang yun, rapport rapport lang, ika nga ng mga frenship kong nasa call center.
"Ano na balita ha, 'So?" Medio nabawasan na antok ko nun. Imagine ha, alas-kuwatro ng madaling araw ang shift ko, maga-alas dose na ng gabi eh gising ako. Di ko na siya love ha, gusto ko lang makibalita. Kina-klaro ko lang. Andian na rin lang eh. Wala na namang masamang tinapay kasi nga okay na kami nung February pa.
"Wala naman, heto lasing. May boyfriend ka na ulet?" Tanong niya. Mabilisang pacing to, abrupt kumbaga.
Sagot naman ako. "Wala." Eh wala talaga eh. Zerong zero, frens.
"Sus, di nga?" Oo, "sus" talaga sinabi niya. Anlakas maka-old school diba?
Sagot ulit ako. "Oo nga, kulet neto. Puro alak lang ako dito, akala mo ba. Eh ikaw, ano balita sa yo? Buntis na ba asawa mo?" Tinatanong ko siya habang hinihimas ko yung kaliwang braso niya. Yehess, anlake ha, hindi totoo yung sinasabi nilang pumayat siya't na-haggard. Aba puta, parang mas malaki nga braso nya ngayon eh. Gayunpaman eh hindi ako naglaway, sorry.
"Hindi. Hindi buntis yun." Amoy chico talaga. Kung hindi Matador ang ininom nito eh Empy Light to. Dun lang naglalaro yun. Hindi Red Horse. Tolerable ang amoy eh. Wala mashadong singaw. "Di muna ko umuwi sa amin. Gusto ko lang dumaan dito."
Daan pala eh.
Sabi ko naman, "Weh, baka naman dumaan ka lang dito kasi inabot ka na ng ulan." Umuulan kasi, medio malakas, rinig ko sa mga bubong ng kapitbalur. Medio may hangin pa, lumilipad yung mga kurtina eh.
Sabi niya, "Kanina pa kaya umuulan yan, umiinom pa lang kami eh umuulan na yan. Edi sana di na ko pumunta rito. Dun pa kaya kami sa Santo Tomas nagi-inom." Medio malayo nga yun dito sa min. Isang tricycle na pamasaheng bente.
Wow effort. Deadma lang.
Edi tanong ulit ako "Sino kainuman mo?"
"Mga pinsan nung asawa ko."
Si Donna yung asawa niya, at may nakarating sa akin dito sa bulwagan ng ABS CBN na pangkaraniwan lang tong bilat na to. May mother of pearls lang. Na luto sa patis. Kinonfeerm yan ng ilang frens ko na nakakita dun sa bilat. At shempre, may follow up sila; maganda ako dun sa asawa ni Joel. That's what frens are for, diba? Kaya sabi ko sa kanya, "Oi, sabi nila maganda ako sa asawa mo. Magandakomagandakomagandako sa asawa mo!" Oo, kailangang i-segue yun.
Hindi siya kumibo. Alam na. One-zero, in favor of the long legged.
Heto matindi. Maniwala ka namang hawak niya kamay ko nun habang nagq-Q&A kami. Ako naman si pa-sweet eh hinayaan ko lang. Medio magaspang ang kamay niya ngayon, tsaka parang bumigat. Tapos maya mayang onti eh naka-tanday na yung hita nya sa akin, parang dati lang. Awwww (yehess, bagets), gantong ganto yung gawa namin dati eh. Leche to, kung kailan naman nasanay na kong walang ganitong eksenang yakap sa dilim eh tsaka re-rebanse ng tanday. Gago to ah. Kaya kahit feel na feel ko eh tumalikod ako sa kanya. Medio inaantok na rin ako eh. Anlamig eh.
Mababa lang boses niya, pero tuloy siya sa kuwento. Tungkol sa trabaho niya (parang may narinig akong granite, tapos layer, kesho suwertehan lang sa racket pero marami raw silang trabaho ngayon), tapos oo lang ako ng oo. Maya maya eh hinawakan ako sa balikat tapos hinihila ako paharap sa kanya. Sabi eh, "Mel, humarap ka naman sa akin." Mahinahon lang. "Naiinis ako sa yo eh!" Sabay kurot sa braso ko. Tas kurot ulit. Tas isa pa, sa bewang naman. Medio na-guilty nga ako kaya nakaharap na ko sa kanya.
Ayun magkaharap na kami ulit. Tuloy ang kuwento niya. Matador nga tong ininom nito. Confeeerm.
Tapos heto ka. Sabi eh, "Alam mo nagtatampo ako sa yo ha!" Isip-isip ko eh "Aba, ako iniwanan mo after ng ilang taon kasi nambabae ka, tapos ikaw pa nagtatampo? Gaaagoooohhh shaaa nohhh?" Syempre isip ko lang yun. Tinanong ko naman sha, "Aba bakit? Ano ginawa ko sa yo?" Nakaharap na ko sa kanya nun. Pero di muna sha sumagot.
Ano muna ginawa niya? Itanong mo, punks. Itanong moo! Heto ka, kinuha niya yung kamay ko, tapos pinatong sa unan niya. Tapos dun niya pinatong yung ulo niya sa kamay ko. Ginawang unan. Tapos pinatong ulit nia ung kanang hita niya sa legs ko. Tanday siya ulit. Sabay sabi eh, "Eh pano, di mo ko mine-message man lang sa Facebook."
Tite. Facebook.
"Ha? Di kita friend dun."
"Oo kaya. Naalala ko pa nga dati, may status ka, tungkol sa lalaki na kausap mo sa telepono ng dalawang tao. Tapos ako, nung naghiwalay nga tayo. English kasi eh, pero yun yun. Ano ba pangalan nun?"
"Ronald."
"Tapos yung picture mo pa nga dun eh yung may UST, tapos baluktot yung katawan mo. Nakaitim ka pa nga nun eh. Para kang kuyukot."
"Ha? Eh antagal na nun ah, nung February pa yun." Naalala pa niya.
"Basta yun. Di lang ako mashado naglo login. Alam kasi ng asawa ko password ko eh. Mababasa niya yun. Ikaw ba, madalas kang online diba?"
Sabi ko eh sapat lang. To be fair eh kahit yakap na niya ko nun, tas nakatanday pa yung binti niya sa akin, tapos hinihigaan pa niya yung kamay ko, kahit ganun kami kalapit eh hindi mainit ha! Anlamig eh. At anlaki ng braso nya ngayon ha. Tapos nagkuwento siya.
"Alam mo ba, Mel, nung isang linggo ata yun, lasing ako nun eh. Dumaan ako sa Sagad, tapos may nakita akong isang grupo ng mga nagi-inuman. Karamihan dun mga lalaki eh. Tapos lumapit ako dun, sumilip ako, ganito pa nga pagkakasilip ko eh." Nag demo sya, at least yung mukha lang niya pinagalaw niya. Maangas talaga to minsan. Gets ko na ibig niyang sabihin. Tuloy siya sa kuwento. "Ganun. Hinahanap kasi kita dun, baka andun ka."
Tinanong ko, "Eh pano halimbawa kung andun ako, ano gagawin mo?"
"Edi lalapitan kita, tas sasabihin ko na punta tayo rito." Dito nga sa bahay. Di niya masabing "umuwi."
"Eh pano kung di ako sumama sa yo?" Shempre, required yun eh. Nakaka-petite kaya yun.
"Edi uuwi ako sa min."
Napansin ko eh kumambyo siya. Mabilis. At heto mas mabilis, sumimple sya ng amoy sa kamay niya. Ahaha, ano to? Naninigurado? Kaya sabi ko eh "Oi, di tayo magse-sex. Gago ka."
Yumakap lang siya sa akin ulit, tapos sabi eh "Mel, mamaya gisingin mo ko pag papasok ka na ha? Sabay na tayo umalis. Inaantok na ko eh." Sabi ko sige. Tas kagaya ng dati eh nag-goodnight na ko. "Night, 'So." Ganyan. May kasamang "Labyu" yun dati. Eh shempre dati yun. Iba na ngayon. Hindi na kami eh. Ba't ko siya sasabihan ng labyu? Ano sha, chix???
Sagot naman sha, "Night, Mel." Tas pabulong, "Labyu." Shempre narinig ko yun, pero di ko sinagot. Ayoko eh, walang dating sa kin. Lasing tong kausap ko eh. Kaya nilakasan niyang onti. "Labyuu." Deadma pa rin, pero nangingiti ako. Heto ka, tinodo na ni tarantado. "LAAABYOOO!" Anlakas! Pasigaw na halos! Narinig kaya ni bakla sa ibaba? Bukas yung pinto ng kuwarto eh.
"Night, 'So. Labyu." Yan. Matapos lang. Tas yumakap na siya, tumanday na, gaya ng dati. Ayy, di mo lang alam talaga kung gaaaaaano ko na-miss tong ganito. Yung ganito! Ganitong ganito yun eh. Siyang siya yun eh. Dun ako na-ngiti talaga. Hindi ako naiyak, bakit?, pero pinabayaan ko na lang to. Anong oras na ba? Ay, di baleng puyat, masaya naman. Maya mayang onti eh ramdam ko na yung paghinga niya sa bandang balikat ko. Steady na. Tulog na to.
Sabay na nga kami umalis nung madaling araw, mga bandang 3:30. Di ko na ikukuwento lahat. Ayaw ko basahin kung ano man ang isusulat ko pagdating dun. Kung anu ano yun.
Ayokong mag-isip eh! Wag ganun. Stress yun.
P.S. Once a week na ko ulit after nito. Okay gow.
Yown namehn. Ang haba lang ng hair ni mama! :D Ok lang bang i-add kita sa Fezbook? I'm missing out on things; your Wall seems like the hip and happening (?!) place to be. :)
ReplyDeletegrabeeeee ramdam na ramdam ko! kilig na kilig ang tinggil ko!! ikaw na ang buhok sa kili kili eh abot hanggang dito!!
ReplyDeletemiss you khie!
ayos lang yan. tigil saglit sa pagmu-move on kasi anjan at nagpaparamdam. pag nakaalis na, move on ulit.
ReplyDeleteNilapastangan ako ng post na ito. Ang crazy crazy!
ReplyDeleteMali ba ang reaksyon ko kasi naluha ako? o talagang hopeless romantic lang ako dahil even if you injected humour in this post, I really felt your happiness?
ReplyDeleteMaryopes ka, momel! ang dami ko kayang trabaho ngayon pero tumigil ang lahat mabasa ko lang to. Ito kasi yung stats mo sa FB that I was wondering about and wanted to ask you about, but I couldn't since my phone was having connection problems at the time at di pumasok ang comment ko.
hay...
PUTARAGIS NAMAN. Kinakabahan ako, siguro dahil naiimagine ko na kung ako yung nasa lagay mo ng mga oras na yun eh nagmelt na ko papunta sa malaki nyang braso. Malantod much lang.
ReplyDeletePero nalulungkot ako. Di ko maturo ang dahilan bakit. Nakakalungkot lang.
Hay Momel, someone once said of the song "Someone Like You"
ReplyDeleteIf you ever had a broken heart, you're just about to remember it.
I could say the same of this story. Poignant, wistful, touching. I loved it. Won't forget =)
Kane
p.s. It's okay to pause... paminsan minsan.
Hug
Aris -- Gow lang, fren. Ano na eksena niyo ni... yehesss, going strong pa rin ba?
ReplyDeleteHimhay -- Ahaha, salamat sa kilig mo fren at... feeling ko ikaw lang kinikilig eh! Ano na balita sa lovelife! Ay naku, that reminds me, mag bloghop na ko ulit after ko mag comment dito!
Nishiboy -- Actually, girl, eh moved on na talaga ako. Totoo. Kaya yung tanong na, paano ka magmo move kung ikaw ang binabalikan eh napakahirap sagutin sa akin, kahit desidido na akong moved on na ako. Demet noh? Kakaburat minsan yung biglang magugulo ka na naman, pero masaya yung moments. I'm sure may magsasabi dian na just live the moment. I totally agree. Apir tayo, mga punks!
Pot Session -- Nye, panong crazy? Crazy yung pagkaka kuwento, o yung kuwento mismo. Ganyan ka eh noh, ang galing mong mag-elaborate sa blog mo, pero minsan sa mga comments mo eh napaka-vague mo. Anyway, thanks for dropping by, kahit feeling ko kaya ka anonymous recently eh sa kadahilanang... paputok na ang tama mo. Ahaha, anlakas moooohh!
Kaye -- Naluha ka? Ow Eyy ha! Di nga? Oo, ito na yung kaibuturan ng mga kuwentong naging dahilan ng status na yun. Medio mahaba kasi sobrang ginanahan ako sa details; hindi nga sobrang detalyado kasi meron akong parts na hindi na sinulat. Lalo na yung last part, nung umuwi na siya at ako naman ay pumasok na sa trabaho. Late ako nun, two minutes, pero okay lang.
Vajayjay -- IKAW NA ANG NAG-TITLE SA OW EYY REACTION FOR THE MONTH OF JUNE 2011! Ow eyy ha, kinabahan ka? Ahaha, bat naman? Alam mo fren eh medio na-gets kita sa lungkot lungkotan portion mo, kahit ako may ganung elements habang nagaganap ang kuwentong ito sa totoong buhay eh. Eh ganun talaga eh, masaya ako kasi kahit papaano eh bumalik siya kahit sandali lang. ANGTINDEHH!
Kane -- Aww, thanks pogi. Totoo, walang sex na naganap dian, kahit yung parts na hindi ko na binanggit eh walang sexual undertones man lang!
Cheers you all! Mabuhay kayo! Muahness from Pasig Cirehhh!
Panalo 'tong post na 'to. Love it. :)
ReplyDeletePetite na petite ka fren. To the highest level. Promise. :)
HAHAHAHAHA. Chusera ka Momelia. Haha. Kinakabahan ako sa mga ganyang eksena. Kase.. kase.. sige na nga, nililibugan. Puki. Ganon den naman yun parehong may kaba. Hahahaha. MALAKI KASE BRASO NYA! SHET WEAKNESS. Joke. Weakness ko balbon.
ReplyDeleteManech -- Hoy ano na balita sa yo at ngayon ka lang nagparamdam! Ganyan ba talaga pag may jowang blogger din at di na magkandaugaga sa kung anong uunahin? Kung mag-blog or husband/wife duties? Ahaha, salamat sa comment, Manech! Oo, may nagkuwento sa kin.
ReplyDeleteVajayjay Pekpek -- Ayan kaaa, edi lumabas din ang tunay na Vajayjay. Uragon kang uten ka! Ahaha! Siguro kung fetish mo din ang amoy alak eh I'm sure hindi mo alam kung anong uunahin mo, kung ikaw ang nasa lagay ko ano? Ahaha! Yun lang, di sha balbon. Pero braso pa lang, ning, eh magce-celebrate good times ka na common!
Cheers Loverboy Manech and Vajayjay Pekpek! Muahness from Pasig Cirehh!
waaahhhhh...first time ko mapadaan dito...ka-relate ako....mejo nangyari na rin sa'kin yang ganyang sitwasyon :D
ReplyDeleteHi Momel nagsex kayo no? Nyahahaha ayaw pa aminin. LOL joke lang. This post made me happy because it meant only one thing to me, I'll be able to read more from you again... Kung maging kabit ka man or what, sige lang! (Bigyan kang lesson ni Ate Powkie) hahaha. Ang mahalaga eh mukhang masaya ka naman, so pano? Back to bashing Jim-Girl na ba?
ReplyDeleteBeen a while since I last visited the blog and, for some reason, this one was the first I clicked on. Yes, the same wit and humor I remember overfloweth. Cheers!
ReplyDelete