Friday, June 21, 2013

Hinde! Hinde! English To, English!

**It is for the benefit of our non-Filipino friends that I encourage you guys to check this post instead -- How to Medicate a Faggot. 

**Magta-tagalog ako sa linggong ito. Hanep no? Yaman din lamang na ako'y inyong paunlakan, bitch, sapagkat bihira lamang ito. Ngayon, kung ayaw mo, at kung may reklamo ka eh di itanong mo sa titi mong maliit, okay? "Hoy tite, bakit nagtatagalog tong bayot na to ngayon? Ano meron?" At maniwala kang masakit na nana ang isasagot niyan kasabay ang mga salitang, "Trip nya men, wag kang daot. Gago." Okay goh. 


Ang pagu-usap na inyong mababasa ay hindi totoong nangyari, okay? Ngunit hindi na siguro kayo magtataka kung medio pamilyar ang tema. Pamilyar AT nakakairita. AT nakakarindi. AT nakaka-buang. AT pauuuuuulit ulit na lang. Ang mga ganitong klaseng pagu-usap ang magiging dahilan kung bakit minsan, sa loob loob mo, ay masasambit mo na lamang ang mga salitang, "Tainang buhay to, oo." Oo, promise. Maliban na lamang shempre kung ikaw si Nakakairitang Kausap. 





Ako: Hindi ba parang luma na yang pausong yan ni Vice Ganda? 

VGW: Hinde, hinde! Hindi siya luma. Heto nga at naririnig mo pa sa akin diba? 

Ako: Hindi ba parang two years ago na yan? 

VGW: Hinde, hinde! Eto nga at ginagamit ko pa diba? Kasasabi ko lang diba? Paulet ulet? Tokyo tokyo? 

Ako: Pero teka, question... 

VGW: May sasabihin pa ako, bakla! Nagmamadale? Nagmamadale? May lakad? May lakad? 

Ako: Okay, ano ba yon? 

VGW: Hindi pa ako tapos mula sa kanina. Sayang naman ang pagkabisa ko... 

Ako: Hindi ka pa tapos? 

VGW: Hinde, hinde! Tapos na ko. Tapos na! ... 

(Medio tahimik ng onti. Hindi madugtungan ni VGW yung taray-tarayan niya eh. Mga dalawang minuto rin ang lumipas. Awkward na.) 

Ako: So tapos ka na nga ba? 

VGW: Hinde, hinde! Tapos na ko. Tapos na! ... 

(Tahimik pa ulit. Wala ito. Hindi talaga makaisip ng pan-dugtong si VGW. Awkward ulet. Sooo, pasok ulit ako.) 

Ako: May nabanggit kang "sayang naman ang pagkabisa ko." Bakit, ano ba kinabisado mo? Siguro yung sa paulet ulet?

VGW: Marunong pa sa ken, bakla? Marunong pa? 

Ako: Okay sige, ano ba yung sasabihin mo dapat?

VGW: Paulet ulet? Balic balic? Shabu shabu? Weather weather? 

Ako, sa loob loob ko: Ahhhh, yun pala yung kinabisado niya. Yung paulit ulit na mga salita. 

Ako: Okay ka na? 

VGW: Hinde, hinde! Hinde ako okay! Andami ko ngang problema oh. (Sabay turo sa mukha niyang naka-half smile.)

Ako, sa loob loob ko: Sarcastic ka pa kunyari. Hindi bagay. Heto magandang tanong...

Ako: Sooo... baleee... Hindi ka pa nakaka-move on sa ganyang klaseng patawa noh?

VGW: Hinde, hinde! Hindi pa ako naka-move on! Manghuhula ka ba? 

Ako, sa loob loob ko: Huli ka betch.

Ako: Alam mo, hindi ko maintindihan kung nagpapatawa ka pa o naging boring ka na sa pakikipag-usap mo. Ang akin kasi eh, oo, madaling gayahin yung estilo ni Vice Ganda. May formula eh. Heto yun oh: "Hinde, Hinde!" + "Hindi ako" + (Yung Tanong Mo sa Kanya) + (Kabaligtaran ng Tanong Mo sa Kanya Times Two) Halimbawa: Masaya ka ba sa ginagawa mo? Tapos sasagot ka ng "Hinde, Hinde! Hindi ako masaya sa ginagawa ko! Anlungkot ko nga eh, anlungkot!" Andaling sundan diba? Walang biglaan. Madaling hulaan kung ano ang susunod mong sasabihin. Alam mo eh minsan angkop sa yo ang status na "Mas masarap ka pang sampalin kaysa kausapin." Trying hard ka kasi eh. 

VGW: Sinasabi mo bang ang korni ko ha? 

Ako: Hinde, hinde! Hindi ka korni. Sobrang comedy ka, sobra. Alam mo kung ano ka? Nakakairita ka. Ayun ka. Alam mo, okay nga yang pauso na yan ni Vice Ganda kasi kahit papaano eh tinaktakan nito ng karagdagang saya ang natural na pagiging makulit nating mga Pilipino. Pero minsan kasi eh OA na. Maya't maya eh. Mas OA siguro yung tatag niyan. Dalawang taon na yan nung nauso ah. Medio palasak na nga eh. Hanggang ngayon kasi eh.

Ako: At bakit? Porke ba mahusay na komedyante ang ginagaya nyo eh magiging comedy ka na rin? Iba ang delivery at timing ni Vice Ganda. Hindi niyo kayang gayahin yon. Hindi niyo naisip na pag-aralan yung pasok ni Vice Ganda. Ang alam niyo lang eh yung Hinde Hinde niya. Shieeeeeettt!

Ako ay rinding rindi na sa walang katuturan at walang bagong kakornihan nitong aking kausap na si VGW. Vice Ganda Wannabe. Pagkasabi ko ng Shieeeeeettt! ay hindi ako nagdalawang isip na suntukin siya sa kaliwang suso niya sabay karipas ng takbo. Tuwang tuwa ako sa ginawa kong yon, lalo pa't alam kong 1. Hindi pa siya nakaka-recover sa reality check. at 2. Hindi niya ako kayang habulin. Kaya't sinamantala ko na ang saya ko at sinigawan ko siya ng "Wala na bang baagooo? Nakaka-burat kang kausap, gago!"

Haha, baliw-baliwan lang ang peg. Peeggg??? 



Walang kinalaman. Nai-post ko na ito minsan. Gusto ko lang sagarin ang pagtatagalog ko.

12 comments:

  1. My goodness, Momel, you should have placed a warning above to read this at one's own risk. Tawa ko nang tawa e bigla kong tiningnan ng boss ko. haha Huli ka balbon ang peg ko!

    I love the Vice Ganda formula. Love your sarcasm, shempre!

    Sino ba yang VGW na yan? masuntok din, ahahaha! Thanks for making my monday brighter. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, thank you Kaye. Yan naman ang purpose ko eh, yung mapa-smile kayo while being my usual sarcastic self. Meanwhile, rest assured that I address your comments without a degree of that acid. This is heartfelt. I respect you guys. You know that. People that appreciate this kind of caustic humor are very uncommon, not to mention smart, at the very least, so please bear in mind that I value, no, I treasure your taking the time to read me on a semi-regular basis.

      Thanks Kaye. And I slather the same gratitude to those lurkers who keep coming back. I love you guys. Really.

      The VGW is a generic, catch all term for whoever can't seem to move on from Vice Ganda's trend. Two years na naman yan. So please lang. Move on din tayo pag may time. Our sense of humor is evolving, and it is always reinforced by the Filipino's boundless creativity for jerking around. We're better than that.

      Muahness from Pasig Cirehhh, Kaye! Your book is still with me, and I'm keeping it safe. Dusty, but safe. Haha!

      Delete
  2. infer, at least wala akong halos naeencounter na mga VGW. Thank God. One on tv is enough. so I don't know who to thank for my lack of exposure to people like them. ahahaha!

    iilan na lang kayong nabibisita ko. mas madalas ko pa kayong puntahan kesa sa blog site ko. hahaha! I just don't usually comment.

    and my book. whenever I go here, I think of it. :( Sadly though, even if I had been wanting to meet you personally, this life prevents it from happening. mahirap bumaba sa bundok. boohoo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lucky you, Kaye. We can use less of them. I think it's safe to assume that we can all spare ourselves the frustration. There are far more pressing matters to stress ourselves over, I take it.

      Ah, that reminds me of the alarming decrease in real blogging activity these days. Whatever happened to blogging? Was it really a passing fancy, a thing of the past, a temporary high? Of course, this poor blog has had its share of neglect, I know, but I have resolved to become a writer first and then a social person next. I really don't mind the near absence of comments. I have itches to scratch. Blogging is the stone that hit the two bi... hell, that went out poorly.

      I will be dusting off your book, Kaye. I will keep it presentable until the time we actually meet. And I'm looking forward to it!

      Muahness from Pasig Cirehhh!

      Delete
  3. Leave it to you to diligently analyze, nitpick, digest, and break-apart the irritating mundane superficiality of people. You have the same uncompromising sharpness as Pat, but yours come with a kick in the balls. They say imitation is the best form of flattery, I say imitation is simply lack of creativity.

    Boom!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well, well, well. Look who the cat dragged in? Welcome back, Red!

      You punched it right between the nuts; imitations is no longer flattering these days. I know, most especially when it has been reduced to a predictable formula. And then everybody is doing it, everybody, and you don't hear the last of it. Goddamnit. That there is exceedingly sad; everybody's turned into trying hard corny bores.

      Pat... who?

      Haha, I kid. Homo's gone hating in his last post. He could sure as hell elaborate, most especially when schaudenfreude is but a naturally human thing.

      Thanks for dropping by, Red! How you guys doing? Muahness from Pasig Cirehhh! :)

      Delete
  4. May kakilala akong ganyan. Nakikiuso. Nakakatawa lang yang ganyang mga "Hinde! Hinde!" kapag pasok sa timing at hinihingi ng sitwasyon, as in kung yung taong kausap mo eh sobrang dense para hindi nya makita ang obviously nakikita ng iba, sasabihan mo siya ng "Hinde! Hinde!" Pero hindi kagaya ng isang naencounter ko na ganito:

    Friend 1 and Friend 2 are talking, hindi ko narinig ang usapan nila.

    I asked Friend 1 something. Turns out, kakatapos lang nila pag-usapan yun ni Friend 12. Something like "Napanood mo na ba ang Superman?"

    Ang sagot sa akin eh "Hinde! Hinde! Kakasabi ko lang diba? Paulet-ulet? Paulet-ulet? UNLI?"

    Eh sa hindi ako nakikinig sa usapan nila dahil hindi ko naman ugali yun. Ako pa ang mali. Kabwisit diba?

    Super gasgas na pambara. Sila itong paulit-ulit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sarap nila suntukin sa suso, ano fren? Pero ako naman eh wala pang guma-ganyan sa akin na bilat. Kasi lalaitin ko sila agad. Ngayon pa ba na may naka-ready akong reality check? "Teh, napaka-laos na niyang Hinde Hinde na script mo, utang na loob, ibahin mo naman. Yaman din lamang na nanggagaya ka ng bakla eh bakit hindi mo naman subukan manlait? Maiba lang? Puta, ako alam ko na sasabihin mo, hindi mo pa naiisip eh. Sige nga, maglaitan na lang tayo, puwede ba yon?"

      Hinde, hinde. Haha, nasa timing lang talaga eh noh. Ngunit hindi nila naiintindihan yon, Andoy. Hinde Hinde sila to death, mga hindot sila.

      Thanks for dropping by, Andoy! Muahness from Pasig Cirehhh!

      Delete
  5. Tama si Master Glentot, gasgas na asobrang hindi na nakakatuwa ang paulit-ulit na pambabara joke na ito! 2 posts pa lang nababasa ko pero gusto na mukhang pinag-isipan at pinaghandaan. Hindi 'yung parang mema-post lang... hmmmnnn.... just like me! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy, salamat Senyor sa iyong pag-komento sa aking blog. Oo, pinaghahandaan ko talaga ito. Dati ay masipag akong mag post, pero, gaya ng maraming mga bloggers, akin siyang napag-iwanan. Meron akong notebook, dun ako sumusulat, pero meron din akong blog na minsang nagkaroon ng buhay. Kaya aking minabuti na mag post ng isang beses na lamang sa isang Linggo, ngunit aking tini-tiyak na anuman ang aking ipo-post ay may bahid ng preparasyon at onting pag-iisip. Onti lang. Para hindi oa, diba?

      Salamat Senyor Iskwater sa iyong pagdalo. Muahnes from Pasig Cirehhh!

      Delete
  6. i dunno, but vice ganda's "Hinde, Hinde!" + "Hindi ako" + (Yung Tanong Mo sa Kanya) + (Kabaligtaran ng Tanong Mo sa Kanya Times Two) form of joke never appealed to me. pretty annoying, if you ask me.

    and then there's this (Verb) + (Repetition of Verb) + "pag may time" that's being butchered across all forms of social media. we can do better than that. i think.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Lio

      Well, it used to have it's merits. The mean wit was largely entertaining most especially before it peaked. It peaked early, however, when these mostly babaeng baklas spoiled the momentum with their untiring dedication to this second hand school of thinking.

      Oi! I do subscribe to the "Pag may time" slip of the tongue. I am still entertained by it, most especially when it is used in an unconventional way. Here, if you don't mind, allow me to display an example: "Puro ka aral, puro ka trabaho, puro ka overtime. Jakol jakol din pag may time."

      See?

      Haha, Thanks Lio! Muahness from Pasig Cirehhh!

      Delete

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin