Image from Arhiblog. |
LEMUEL: Puwede po ba kay Rommel Tullao? Si Lemuel po ito, sa PLDT.
MOMEL: Si Rommel ito, bakit, anong problema? (Lakas maka-hombre noh? Rommel. Parang anak ng general.)
LEMUEL: Tanong ko lang po kung may picture na kayo sa PLDT?
MOMEL: Picture? Anong picture? Bakit kailangan ng picture sa PLDT? ID ba yan? Ilalagay sa billing statement?
LEMUEL: Hindi po. Pictures po para sa PLDT, yun bang call wait, call fo-ward, tsaka speed dial. (Walang patumpik tumpik. Hindi siya nag-buckle. Features pala.)
MOMEL: (Loob loob ko eh "Ahhh, gago to.") Ahhh, wala pa. Pwede bang paki-explain yon, hindi ko alam yun eh. (Nagdi-dial ako bilang telemarketer ng mga panahong ito, pero ngayon lang ako nakatanggap ng telemarketing na tawag.) Yung call wait, alam ko iyon, meron kami noon eh. Eh ano naman yung call forward?
LEMUEL: Yung call fo-ward kasi ganito yun eh, parang ano lang yun, kuwan. Teka lang ha. (Pagdating dito eh binaba niya sandali yung telepono at may narinig akong sigawan.)
LEMUEL: HOY, NONG! ANO BA ULIT YUNG, ANO BA YUN, YUNG CALL FO-WARDING? EH PINAPAPALIWANAG NITONG KAUSAP KO EH!
NONG: SABI-HEN mo, yung call fo-ward, ano lang yun, halimbawa, may pupuntahan siyang birthday, tapos ano, TEKA NGA! (At kinuha na ni Nong ang telepono.)
NONG: Hello, ikaw ba yung kausap ni Lemuel?
MOMEL: Opo (Duh). Ano ho ba ulit yung call forwarding? (Medio libang na ko nito.)
NONG: Kasi ganito yun, halimbawa, may pupuntahan kang birthday, tapos walang maiiwan sa inyo, edi ang gawin mo, i-call fo-ward mo yung telepono mo para doon mo na lang sasagutin sa birthday.
MOMEL: Aaah, eh pa'no kung walang telepono sa pupuntahan kong birthday?
NONG: Ehhh, pakabitan natin. Pero kuha mo na yung call fo-ward, ha ser?
MOMEL: Oo, okay na.
NONG: Ehhh, teka lang ha. (Binaba niya sandali ung telepono at may sinigawan, "HOY Lemuel, okay na. Eto na 'o!" Ilang segundo lang ang nakalipas aaatt... )
LEMUEL: Okay na ser?
MOMEL: Oo, okay na. Eh ano naman yung speed dial, ha?
LEMUEL: Ganito lang po yun ser. Yung speed dial eh ano lang, magpipindot kalang ng number tapos makakadial ka na.
MOMEL: Niloloko mo ata ako eh! Eh siyempre ganoon talaga yun para maka-dial, pipindutin mo siyempre yung mga number!
LEMUEL: Hindi po ganoon yun. (Mali na naman ako. Hindi na ako tumama. Iba ka Lemuel.) Ibig sabihin, isang number lang yung pipindutin mo para imbes na (Nagbibilang siya...) para imbes na pitong number eh isang number na lang yung ida-dial mo.
MOMEL: Teka, call center ba ito?
LEMUEL: Hindi po, PLDT po ito. Sa OPSIM (Parang ganun.), dito po sa San Joaquin (Pasig).
MOMEL: Eh paano ko malalaman na PLDT ka nga?
LEMUEL: Punta po kayo dito. Dito po kami sa tapat ng ...
MOMEL: HA? Pinapapunta mo ako diyan? Teka, magkano naman yung tatlong features na iyan ha?
LEMUEL: Ano po, P59.75 lang kada buwan. Fixed na ho iyon.
MOMEL: Puwede ko namang i-cancel pag ayoko na?
LEMUEL: Opo, kayo naman magbabayad noon eh.
MOMEL: Tapos, doon na lang siya lalabas sa billing statement, diba?
LEMUEL: Opo.
MOMEL: Tapos, kailan siya maa-activate ha, Lemuel?
LEMUEL: Tatlong araw pa ho, kaya malamang sa Lunes.
MOMEL: So, anong kailangan mo ngayon?
LEMUEL: Kelan birthday mo?
MOMEL: BAKIT MO NAMAN TINATANONG ANG BIRTHDAY KO?
LEMUEL: Eh, kailangan po eh. (Oo nga naman, Rommel. Hindi ka mananalo diyan.)
MOMEL: O sige, August 8.
LEMUEL: Akina na yung SSS number mo.
MOMEL: HA? Pati ba iyon?
LEMUEL: Kailangan po eh.
MOMEL: Naku eh, nasa office ID ko, hindi ko maalala. Tawagan mo na lang ako sa Lunes para maibigay ko sa iyo, okay?
LEMUEL: Wala ho sa inyo ngayon?
MOMEL: Tawagan mo na lang ako sa Lunes.
LEMUEL: O sige po. Babay.
Dun na natapos. At hindi na tumawag si Lemuel. Sayang.
No comments:
New comments are not allowed.