Friday, June 30, 2006

Kami Na

This will be the first entry that I will be writing in Tagalog. No, Ben Tumbling doesn't write in Tagalog, he writes in Retarded, so his posts don't count. Check my Bullshitting at a Glance, look for the dropdown list called The Malditang Ben Tumbling, and you'll know what I mean. But for the time being, forgive my going out of character, at least just for today, and allow me to sigh.

And I am having a hard time uploading this picture of an angel for this post. It's an angel that doubles as a grave marker, so it's not that divine to begin with.

June 12 ata yun, di ako sure sa date, di na naman importante yun eh, pero what happened was na-confirm na kami na. Magkatabi kaming nakahiga sa kama, shempre onting sweetness sa pagyakap ng braso ko sa dibdib niya, tapos tinanong ko siya kung "Ano ba talaga tayo?"


Sabi niya, "Ikaw, ano sa tingin mo, kung ano nasa isip mo, yun na sagot ko." Siempre, mahirap yung ganong sagot, nasa isip ko eh naglalaro lang kami. Dun naman nagsimula talaga yun eh, malay ko bang may mangyayari pang ganitong factor. Di naman siya love, pero it still moves in mysterious ways. Ew, jologs no? Sobrang true brown style. Sobrang ghetto. So anyway, sabi ko "Eh ikaw nga tinatanong ko eh, ano ba talaga tayo." Sabi niya, "edi mag-on tayo. Yun, mag-on tayo." Sabi ko naman, "Mag-on tayo?" Sabi niya, "Oo, mag-on tayo."

O di sige. Sabi ko sure. Pero sa loob loob ko eh "Ew, is that ka-cheapang on-on thingy still uso pa ba these days?"
Pinagmasdan ko mukha niya habang natutulog siya later that day. Oo magkatabi na naman kami, pero alam niyo, hindi ko talaga siya mahal. Ewan, di ko makuha yung feeling na mahal ko siya. Walang kurot. Para bang go signal, kailangan may ganun. Required yun eh. Pero wala eh. Promise. Sinabi ko pa sa kanya, habang natutulog siya, "Alam mo, hindi kita mahal." Harsh ba? Eh nung time na yun eh gusto kong maging malinaw yung nararamdaman ko. Aba, di ko naman akalain na magiging ganun kalinaw yun. Nasabi ko eh. Oo, tulog siya nung binulong ko yun, pero at least mabuti na yung may practice diba para pag gising siya eh buwelo na lang ang kailangan.

Pero bago nangyari itong araw na ito eh kinikilig ako habang nakikita ko siya. Totoo. Andian pa yung mga pagkakataong medio inis ako pag di siya tumatawag, tapos gusto ko palagi ko alam kung kumain na siya, kung okay siya. Alam niyo na yun. Andoon yung kiliti. Pero ngayong na-identify na kung ano talaga kami, parang tinatabangan na ako.

Mage-english lang ako sandali ha, pero very very light lang...

Siguro I was in it for the chase. Kasi nung nakuha ko na yung prize eh feeling ko there's nothing left to accomplish. Kaya nga nasabi ko sa kanya na hindi ko siya mahal. Oo, tulog siya nung sinabi ko, pero ang importante eh nasabi ko na. May practice na kumbaga. Madali nang sabihin yun pag maririnig niya at eksaktong gising siya. Eh sa ganoon talaga eh.

Na-confide ko pa nga one time sa isa kong better offline friend (BOF) kung anong
plano kong gawin. Sabi ko, "Kasi naman friendship medio matagal rin akong wala sa ganitong sirkulasyon. Sa ganitong klaseng relasyon. Hindi ako talaga completely devoted dun sa guy, kaya ang balak ko eh pag-practican ko na lang siya para performance level ako sa next relationship ko." Sabi naman ng friendship ko, "Hala ka, maka-karma ka diyan sa gagawin mong yan. Masama yan."


Ang iniisip kong karma eh pano nga kung halimbawang ma-fall ako sa kanya. Basag-trip yun diba? Imbis na pinagpa-practican ko lang siya eh naging seryoso ang mga pangyayari. Lagot na kasi siguradong mabu-blurred ako. Pero yun nga at nakapagbitaw na ko ng salita. "Hindi kita mahal."

Ang nakakatawa pa eh pinag-usapan pa namin kung anong meron ngayong kami na. Rules and regulations ba. Anlaking kalokohan diba? Hiniling ko na at least magkita kami or dapat may communication AT LEAST once a week. Hiniling ko na sana eh alagaan niya yung girlfriend niya ng husto, wala bang magbabago, siyempre mahirap nang makahalata yung kalaban. At hiniling ko rin na wag na siyang maghahanap ng iba. Ako na lang.

Sarrrap eh noh?

Siya naman, sabi niya kung puwede raw eh wag na raw ako manlalaki. Kahit one night stand eh di raw puwede kasi nga naman eh unfair yun kung siya eh di na siya naghahanap ng iba tapos ako naman eh pasaway. Sabi ko sure. Pangalawa eh kung magkakahiwalay daw kami eh sana pag-usapan namin. Wag ko raw gagawin sa kaniya yung ginawa ko sa mga nauna kong relationships. Atin atin lang ha, pero ugali ko yung ganoon eh. Nangi-iwan ako sa ere pag alam kong magkakalabuan na kami ng partner ko. Dapat daw pag-usapan namin. Agree naman ako kasi kahit papaano eh naintindihan ko na nakikinig siya sa mga kuwento ko. Pangatlo eh Say No to Drugs daw. Patawa.

Pero ngayong namang na-identify na kung ano kami, eh medio nakabuti naman siya pagdating sa, ano, sa, alam niyo na yun. Nahihiya ako eh. (Hiya). Medio comfortable na ako pag nagma-make out kami. Ewan ko, pero feeling ko eh mas ganado siya pag tinuturuan ko siyang humalik. Hanep. Tsaka mas nakakatuwang magnakaw ng halik lalo't andoon yung mga barkada niya. Dahil nga sa kami na eh entitled ako doon, ibig sabihin eh akin na yung halik na yun. Kaya go lang, pero dahil sa konting respetong factor eh medio kailangang on the sly tayo. Pero iba yung thrill ng ang alam mong ninanakaw mo eh sa iyo, diba? Kahit cheap thrill pa siya.

Kami na. Yahoo. Pero di ko siya mahal talaga. Ewan, sabi nga, que sera. Tingnan na lang natin ang mangyayari.

Oo pala, tinanong ko siya kung gaano katagal kami tatagal sa palagay niya. Gusto raw niya na tumagal kami. Sabi ko, sure.



12 comments:

  1. ang sweet naman...ang ganda ng pagkakakwento...nakisali lang sa kilig. minsan kasi di mo pa naman malalaman na mahal mo yung isang tao pag dyan pa sya sa tabi mo..sana magtagal kayo..gud luck!

    ReplyDelete
  2. Anonymous6:37 PM

    ay... bonga!!!
    sabi na nga ba eh... basta nagkasyota... dadalang ng magupdate ng blog!!!

    hehehehe

    wishing you all the luck in the world...

    ReplyDelete
  3. ...
    ...
    ...
    ...
    na-pa stare talaga ako sa wall
    at napa-sigh ng naka-smile
    cge lang ineng
    hope naka smile ka rin palagi

    ReplyDelete
  4. oh my oh my oh my :)

    lovely story momel. sarap talaga may kasama, not necessarily in love but still :)

    aww a love story to tell the kids.. basta masaya, go lang.

    *hugs*

    ReplyDelete
  5. Anonymous9:27 PM

    Daddy Yhang ko: Huy..anong nginingiti mo dyan?

    OhsogorJuzMe: Deadma pa din..

    Daddy Yhang Ko: Ma, ano? ano bang binabasa mo dyan at ganyan ang ngiti mo?

    OhsOrjuzMe: (Ngiti hanggang tenga padin) and yeah.. deadma padin sha sakin.. hanggang sa nagpopost na ko ng comment ko dito na todo ngiti padin!

    aawwwwww.. anu ba nman kc? para kang ako a. para kang mahilig din sa complications!! hahaha! kakakilig na d ko maintindihan!

    missed you momel dear! stay happy.. okay?

    ReplyDelete
  6. Anonymous7:00 AM

    Haay... ang pagmamahal nga naman.

    Good luck sa iyo, sana maging okay kayo kahit papaano.

    ReplyDelete
  7. sweetness naman nun.
    peo darling matakot ka sa karma.

    and with how u write about him di ko maisip kung bakit ayaw mo sa kanya or to be technical, why cant u luv him...

    anyways, style mo yan basta jave fun while ur at it. para naman sulit...

    wahehehe...

    at gf itoh!!!!

    ReplyDelete
  8. it does move it mysterious ways, whatever you want to call it. biro mo, napagfilipino ka. naks.

    i like the honesty. and the que sera mentality. it's because i do not believe in the explosive, todo-na-to love. rathe, i subscribe to the illogical, contradictory, dirty, messy, hindi-ako-sigurado love.

    and i think you're starting to get that flu. goodluck. :]

    ReplyDelete
  9. ay, ako hindi. swooning, i tell you.

    ang lupit, grabe.

    happy for you..!

    ReplyDelete
  10. nye @ pinkysteph... he hee, funny you should mention that, I mean, that "magtatagal" thing. Pero yeah, que sera. Hey, thanks for dropping by! Appreciated. Cheers!

    pwede @ lexan, pwedeng ganon na nga. pero I'm not updating as much as I used to (ngayon lang naman, promise) since I don't know if you guys will like me with what I will be writing soon. Argh, relationships bring out the stink in people, as you all people shall see. Peace! and Cheers!

    thanks thanks! @ Bry. pero alam mo, I am not smiling as much as I used to. Maybe I'm not that excited anymore. The thrill of the hunt has lost it's challenge. He is no longer a temptation. Whoa.

    he hee @ Ira. I love you for that! Cheers!

    wow, thanks @ Devilicious. talagang may short skit pang included ha? He hee, and yeah, complications have their own charm. I can't promise to be happy, but thanks for reminding me. He hee, cheers! And I missed you so much!

    ReplyDelete
  11. hey @ alex. Don't wish me luck. Wish me love instead. Awww. Cheers!

    thanks for that @ jhed. I mean, what else is there to say but thanks. I mean it. He hee, cheers!

    well @ brew I don't really know why I'm hanging on to him. Maybe I'm not done yet with the practice. But then, I will soon need to be with somebody I would really enjoy hanging out with. And until then, he will have to do. (See???)

    I like that @ IE, I mean that part with the explosive love in it's gunpowder-y glory. Nice!

    Hold that thought! @ Erik I mean, it is too soon to be happy.

    Sigh, thanks guys for still dropping by. Real appreciated. But I'm having one of those days, and it made itself comfortable and germinated into weeks. But still, cheers!

    ReplyDelete
  12. Anonymous12:13 AM

    Nyahaha. syempre.. kelangan kasama talaga yun.. :) naku.. baka masita nnman ako ng yhang ko.. :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin